Filling Gaps
Graceli Ramos – 5A
Hikahos
Sa
tumitinding kahirapan sa bansa, para bang wala nang pag-asang makaangat pa ang kabuhayan ng bawat Pilipino, lalong lalo na
ang mga dukha.
Karamihan sa mga programa
ng kasalukuyang administrasyong ay palabas lamang, mga palpak na propaganda upang mapagtakpan ang bulok na sistema na umiiral
sa bansa.
Kamakailan lang ay inaprubahan ng komite ni Sen. Jinggoy Estrada sa Senado ang dagdag sahod na
P125 para sa mga manggagaawa at ito ay ipinasa na sa kamay ng Malacanang upang maaprubahan at pirma na lamang pangulo ang kailangan upang tuluyan na itong maisabatas. Maraming manggagawa ang natutuwa sa
balitang ito dahil malaking tulong sa karagdagang badyet para sa kakarampot nilang kinikita.
Ayon sa survey ang isang pamilya na mayroong miyembro ng limang katao ay kailangang kumikita ng
P740 araw – araw upang maayos na makapamuhay, ito ang tinatawag nilang real cost of living, ngunit marami sa ating mga
manggagawa ang hindi umaabot dito. Maging ang minimum ngang sahod na P350 ay hindi rin naiibibigay ng tama.
Sa kasalukuyan ang dagdag sahod umento na P125 ay nananatili pa ring nakabinbin at pinagdedebatehan
sa pagitan ng mga kapitalista, mambabatas , at manggagawa. Isang malungkot na
katotohanan na mismong Malakanyang At ang (DOLE) Department of Labor and Employment Sec. na si Arturo D. Brion ang nagsasabing
ito ay malabong maisakatuparan sapagkat maraming magsasarang kompanya at magiging
dahilan ito ng malawakang disempleyo.
Hindi mo malaman kung saan lulugar ang ating mga kabababayan
sa mga usaping katulad nito. Patuloy na naman ba tayong aasa at maghihintay hanggang sa tuluyang maibasura ang pagsasabatas ng
dagdag sahod? Ito nga ba ang tinatawag na realidad o talagang ang ating pamahalaan
ay nakakiling lang sa mga kapitalistang patuloy na nagpapayaman samantalang lalong naghihikahos ang mga maralita at pinapatay ang katawang magtrabaho upang mabuhay
ang pamilya at makaraos araw – araw.
Sinasabing ang pamahalaan ay itinatag at ang mga nanunungkulan na nakaupo sa pwesto ay inihalal
upang magsilbi sa ikagaganda at ikabubuti ng bayan, ngunit lumalabas na sila mismo ang naninikil at nanggigipit sa mamamayan. Habang tumatagal patuloy tayong kinakain ng bulok na sistemang ito.
Lagi na lang bang mauuwi sa isang katanungan ang bawat usapin at suliranin nating mga Pilipino habang patuloy tayong ginagago ng mga ito? Kailan pa ba makikita ang magandang
resulta mula sa mga opisyal na ito na walang ginawa kundi magdakdakan at pumorma sa harap ng
kamera?
N. B. Ang mga datos ay mula sa Pinoy Weekly (February 2007).